CITY GOV’T OF BACOOR, MULING TUMANGGAP NG DALAWANG NATIONAL AWARDS

BACOOR, Cavite — Muling kinilala sa pambansang antas ang Lungsod ng Bacoor matapos tumanggap ng dalawang Gawad Pasasalamat mula sa DA-BFAR para sa mga programa at ambag sa pangangalaga at pamamahala ng yamang-tubig.

Kabilang sa mga pinarangalan ang Office of the Agricultural Services (OAS)-Bacoor at City Fisheries and Aquatic Resources Management Council (CFARMC)-Bacoor.

Iginawad ang mga parangal sa Gawad Parangal sa mga Kabalikat ng Pangisdaan at Yamang-Tubig, kasabay ng pagdiriwang ng 63rd Fish Conservation Week sa Quezon City.
Layunin ng mga programang kinilala na mapangalagaan ang yamang-dagat at masuportahan ang kabuhayan ng mga mangingisda sa Bacoor at bahagi ng Manila Bay.

Source: Office of the Agricultural Services-Bacoor/Facebook

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading