KAWIT, NOVELETA, BACOOR, ROSARIO, TANZA, NAIC, MARAGONDON, TERNATE AT CAVITE CITY; NAKIISA SA INTERNATIONAL COASTAL CLEANUP 2026

Nakiisa ang Cavite sa International Coastal Cleanup (ICC) 2026 noong Setyembre 19, kasama ang iba’t ibang komunidad sa bansa sa paglilinis at pangangalaga ng mga baybayin.

Sa buong Pilipinas, mahigit 103,000 volunteers ang lumahok sa 369 cleanup sitesat nakalikom ng higit 466,000 kilo ng basura.

Sa Cavite, kabilang sa mga coastal areas na regular na isinasagawa ang mga cleanup activities ang Kawit, Maragondon, Naic, Noveleta, Rosario, Tanza, Ternate, Bacoor at Cavite City.

Isinagawa ang aktibidad sa temang “Clean Seas for Resilient Communities,” bilang panawagan sa sama-samang pagkilos para sa mas malinis na karagatan at mas ligtas na coastal communities.

Patuloy na nakikiisa ang Cavite sa mga hakbang para mapangalagaan ang mga baybayin at yamang-dagat ng lalawigan.

Source: DENR/Facebook

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading