MAGALLANES LGU AT PROVINCIAL GOVERNMENT NG CAVITE, KABILANG SA TOP 5 NG 2026 MOST BUSINESS-FRIENDLY LGU AWARDS

Kabilang ang Provincial Government of Cavite sa Top Five ng 2026 Most Business-Friendly LGU Awards – Province Level, habang pasok naman ang Municipal Government of Magallanes sa Top Five sa Municipality Level 2.

Ayon sa ibinahaging post ni Board Member Jasmin Maligaya-Bautista, ang pagkilalang ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng mga lokal na pamahalaan na magkaroon ng mas maayos, episyente at business-friendly na kapaligiran para sa mga negosyante, mamumuhunan at komunidad.

Binigyang-pugay ni BM Maligaya-Bautista ang Provincial Government of Cavite at Municipal Government of Magallanes, at hinikayat ang patuloy na pagsusulong ng mahusay na serbisyo, episyenteng pamamahala at pag-unlad ng lokal na ekonomiya.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading