MAYOR MATRO: LIBRE ANG SERBISYONG MEDIKAL SA TANZA RHU PARA SA BAWAT TANZEÑO
TANZA, Cavite — Ibinahagi ni Mayor SM Matro ang isang magandang balita para sa bawat Tanzeño na ang Rural Health Unit (RHU) ng Tanza ay nagbibigay ng iba’t ibang serbisyong pangkalusugan ng libre para sa lahat ng residente ng Tanza.
Kabilang dito ang anti-rabies, anti-tetanus, X-ray, laboratory, gamot, dental services, pustiso at libreng operasyon ng katarata.
Nagpasalamat din si Mayor Matro sa mga taxpayers na patuloy na sumusuporta sa mga libreng serbisyong pangkalusugan.
Para sa mga nais makinabang, makipag-ugnayan lamang sa inyong barangay o RHU Office para sa impormasyon at proseso.
#CaviteConnect

