10 PESOS NA DAGDAG SA DIESEL, POSIBLENG PUMALO SA SUSUNOD NA LINGGO
Inaasahang tataas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na Martes, Sept. 22, ayon sa mga paunang ulat ng industriya.
Posibleng tumaas ang gasolina ng ₱4.50 hanggang ₱5 kada litro, kerosene ng ₱7 kada litro, habang ang diesel ay maaaring umabot ng hanggang ₱10 kada litro.
Ayon sa ulat na nakalap mula sa TV5, ang inaasahang pagtaas ay bunsod ng mga kaganapan sa Saudi Arabia na nakaapekto sa suplay at galaw ng pandaigdigang merkado ng langis.
Inaasahan ding mas mararamdaman pa ang epekto nito sa mga susunod na linggo. Ito ay projection pa lamang at hindi pa epektibo.
#ConnectNews

