NIOG BYPASS ROAD AT BACOOR LRT EXTENSION, TULOY ANG KONSTRUKSYON; BACOOR LGU, NAKIPAG-pulong SA JGHM AT LRTA

BACOOR, Cavite — Nagsagawa ng coordination meeting ang Pamahalaang Lungsod ng Bacoor kasama ang JGHM at Light Rail Transit Authority (LRTA) kamakailan, upang talakayin ang mga pangunahing imprastraktura sa ilalim ng LRTA Line South Extension Project.

Tinalakay sa pulong ang Niog Bypass Road/LRT Bypass Road at ang planong Niog Station Intermodal Facility. Pinangunahan ito ni Mayor Strike B. Revilla kasama ang mga kinatawan ng LRTA na pinamumunuan ni Administrator Atty. Hernando T. Cabrera, at iba pang opisyal ng lungsod.

Tiniyak ni Mayor Revilla na magkakaroon ng maayos na pagpaplano at koordinasyon habang isinasagawa ang konstruksyon ng Niog Station upang mabawasan ang epekto nito sa daloy ng trapiko sa Niog at mga karatig na lugar.

Kapag natapos, inaasahang makatutulong ang Niog Station Intermodal Facility at LRT Line South Extension sa pagpapabuti ng koneksyon sa transportasyon, pagpapagaan ng trapiko at pagbibigay ng mas episyenteng serbisyo sa mga Bacooreño.

Source: City Government of Bacoor/Facebook

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading