SUSPEK SA PAGNANAKAW, MULING NAARESTO SA PAREHONG CONDOTEL SA ALFONSO

ALFONSO, Cavite — Muling naaresto ang alyas Christopher dahil sa umano’y pagnanakaw sa parehong condotel sa Barangay Amuyong noong Setyembre 23.

Nakita umano siya ng security guard sa loob ng establisyimento at tumakbo nang sitahin. Naabutan siya ng mga guwardiya bago makatakas.

Natagpuan sa lugar ang sapilitang binuksang warehouse at ilang rolyo ng electrical wires na umano’y nakahanda nang ilabas, kasama ang tricycle na pinaniniwalaang gagamitin sa pagtakas.

Ayon sa pulisya, naaresto na rin si Christopher noong Hulyo 27 dahil sa kaparehong insidente at parehong complainant. Nakapagpiyansa umano siya at nagkaroon ng settlement.

Source: Manila Bulletin

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading