EMILIO AGUINALDO SHRINE, TOP VISITOR DESTINATION SA CAVITE
KAWIT, Cavite —– Kinilala ang NHCP Emilio Aguinaldo Shrine sa Kawit bilang may Highest Same-Day Visitor Arrivals for the 1st Tourism Nodal Point sa 8th Cavite Tourism Excellence Awards noong Setyembre 23, 2026.

Iginawad ng Provincial Government of Cavite ang pagkilala bilang patunay sa mahalagang ambag ng makasaysayang lugar sa turismo, kultura at heritage conservation ng lalawigan.
Ang Emilio Aguinaldo Shrine ay ancestral home at lugar ng kapanganakan ni Emilio Aguinaldo, at dito idineklara ang Kalayaan ng Pilipinas noong Hunyo 12, 1898.
Nagpasalamat naman ang pamunuan ng shrine sa Provincial Government of Cavite at Provincial Tourism Office sa patuloy na suporta sa pagsusulong ng kasaysayan at heritage tourism.
#CaviteConnect

