SILANG LGU, 1ST RUNNER-UP SA EDUCATION HUB CATEGORY NG PH MODEL CITIES AND MUNICIPALITIES 2026
SILANG, Cavite — Kinilala ang Bayan ng Silang, Cavite, bilang 1st Runner-Up Education Hub sa PH Model Cities and Municipalities 2026 ng The Manila Times.
Ayon kay Mayor Gen. Ted Carranza, malinaw ang layunin ng pamahalaang bayan na matiyak na ang pondo ng bayan ay naibabalik sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mga proyektong pangmatagalan at tunay na mapapakinabangan higit ang mga mag-aaral sa bayan ng Silang.
Itinuturing itong malaking karangalan para sa buong Silang, kasabay ng pagkilala sa mga programa at inisyatiba ng bayan para sa edukasyon.
Patuloy na binibigyang-prayoridad ng lokal na pamahalaan ang edukasyon, scholarship programs at suporta sa mga paaralan bilang bahagi ng mga pangmatagalang proyekto para sa mga kabataan.
#CaviteConnect

