ARMY MEMBER, 3 IBA PA, ARESTADO SA CAVITE ROBBERY
TRECE MARTIRES, Cavite — Arestado ang apat na suspek, kabilang ang isang miyembro ng Philippine Army, sa isang hotel sa Catanauan, Quezon, kaugnay ng robbery sa isang convenience store sa Trece Martires, Cavite.
Isinagawa ang operasyon dakong 3:40 a.m. nitong Huwebes ng pinagsanib na puwersa ng mga pulis sa Quezon.
Narekober sa mga suspek ang M16 rifle, dalawang .45 pistol, .30 revolver, mga bala at magazine, rifle grenades, M203 ammunition, at isang SUV.
Source: GMA News
#CaviteConnect

