9 NA KATAO SUGATAN SA BANGGAAN NG INNOVA AT JEEPNEY SA SILANG
SILANG, Cavite — Siyam na katao ang iniulat na nasugatan matapos bumangga ang isang Toyota Innova sa passenger jeepney sa Sta. Rosa–Tagaytay Road, Barangay Puting Kahoy, Silang, Cavite, noong Setyembre 26, 2026.
Ayon sa pulisya, parehong patungong Sta. Rosa ang mga sasakyan nang mangyari ang insidente. Dalawang pedestrian din umano ang nabangga bago tumama ang Innova sa jeepney.
Agad na isinugod ng Silang MDRRMO ang mga biktima sa mga ospital sa Sta. Rosa. Paunang imbestigasyon ng pulisya ang reckless driving bilang posibleng sanhi ng aksidente.
Source: Cavite News Network
#CaviteConnect

