Ilang Bus mula PITX patungong Cavite, Pinag-aaralan ang Dagdag-Pasahe; Mga Pasahero, Maghanda

Ilang bus liner na bumibiyahe mula PITX patungong Cavite ang hindi pa nagpapatupad ng dagdag-pasahe kahit epektibo na ang fare increase para sa ilang pampublikong sasakyan.

Ayon sa ilang bus driver at konduktor, hinihintay pa nila ang abiso mula sa kani-kanilang operator at ang opisyal na fare matrix mula sa LTFRB bago maningil ng mas mataas na pasahe.

Kapag naipatupad, posibleng tumaas ang pamasahe sa mga rutang Tanza, Naic at Ternate. Sa rutang PITX–Ternate, maaaring umabot sa ₱149 ang pamasahe mula sa dating ₱105, depende sa bus liner at aprubadong taripa. Bukod pa rito ang iba pang ruta sa Cavite.

Samantala, naipatupad na ng ilang modern jeepney mula PITX patungong Tanza ang dagdag-pasahe matapos makatanggap ng fare matrix. Mula sa dating ₱60, naging ₱68 na ang pamasahe simula nitong umaga.

Pinapayuhan ang mga biyahero mula Cavite na maghanda sa posibleng pagbabago ng pamasahe habang hinihintay ang opisyal na pagpapatupad ng bagong taripa ng mga bus liner. #

Photo Courtesy: PITX

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading