GLITCH LANG DAW? LALAKI, NAGSUMBONG SA NBI MATAPOS UMANONG HINDI MAKUHA ANG ₱400-MILYONG PANALO SA ONLINE GAMING

Isang lalaki ang sumangguni at humingi ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI) matapos umanong hindi ibigay sa kanya ng isang online gaming platform ang mahigit ₱400 milyon na ipinakitang panalo sa kanyang account.

Ayon sa lalaki na si alyas “Bingo,” lumitaw umano sa platform na nanalo siya ng naturang halaga ngunit hindi niya ito natanggap.

Samantala, iginiit ng pamunuan ng online gaming platform na technical glitch lamang ang insidente at hindi totoong panalo ang naturang halaga.

Humingi na ng tulong si “Bingo” sa NBI upang maimbestigahan ang insidente at matukoy kung ano ang tunay na nangyari.

Video screenshot: Bilyonaryo

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading