Remulla, Nanawagan: Turuan ang mga Bata gamitin ang 911 Hotline sa oras ng Emergency
Hinimok ni Interior Secretary Jonvic Remulla ang mga paaralan at magulang na turuan ang mga kabataan kung paano gamitin ang Unified 911 emergency hotline para sa agarang tulong sa oras ng emergency. Ayon sa kanya, fully operational na ang 911 system sa buong bansa at napatunayang epektibo sa mabilis na pagtugon sa insidente, kabilang ang pamamaril sa San Jose National High School. Aniya, nakatawag agad ang guro sa loob ng isang minuto habang dumating ang mga rumesponde mula sa Bureau of Fire Protection sa loob ng apat na minuto. Giit ni Remulla, mahalaga ang kaalaman sa 911 para sa mas ligtas na mga paaralan at komunidad. #

