MAYOR MATRO, HINIKAYAT ANG 16-ANYOS NA CHICHARON VENDOR NA IPAGPATULOY ANG PAG-AARAL SAKABILA NG KASIPAGAN NITO
TANZA, CAVITE — Madalas na nakikita ni Mayor SM Matro ang isang binatilyo na nagtitinda ng chicharon sa Kawit at sa iba pang lugar na kanyang pinupuntahan.
Kaya naman, hindi napigilan ng alkalde at ito ay kanyang kinausap at inalam ang buhay ng batang vendor.
Aniya, hindi maiwasang madurog ang puso ng alkalde sa tuwing nakikita ang binatilyo na naglalako ng panindang chicharon sa lansangan na sa halip ay nag-aaral, mas pinili nito na maghanapbuhay upang makatulong sa pamilya at sa kanyang sarili.
Nais ng bata na muli siyang makapag-aral sa kolehiyo kung kaya’t kanyang pinag-iipunan ang kanyang pangbaon at pang matrikula sa kolehiyo. Hinangaan ni Mayor Matro ang kasipagan ng bata at hinikayat na ipagpatuloy ang pag-aaral at huwag mawalan ng pag-asa sa kabila ng mga hamon sa buhay.
Binigyang-diin ng alkalde na mahalagang mabigyan ng pagkakataon ang kabataan na makapagtapos ng pag-aaral upang magkaroon ng mas magandang kinabukasan para sa sarili at pamilya.
#CaviteConnect

