ENDANGERED PHILIPPINE PANGOLIN, NASAGIP SA MENDEZ
Nailigtas ang isang endangered Philippine pangolin matapos matagpuan ng isang residente sa bayan.
Agad itong ini-report sa MENRO at isinailalim sa pangangalaga ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para sa assessment at rehabilitasyon.
Paalala ng DENR sa publiko na i-report agad ang mga natatagpuang wildlife at iwasang hawakan o alagaan ang mga ito upang matiyak ang kanilang kaligtasan.
Photo credits: DENR CALABARZON

