MAYOR MATRO, TUMULONG SA GULAY VENDOR SA TANZA NA WALANG KILUHAN; DINAGDAGAN ANG PUHUNAN
TANZA, Cavite — Isang gulay vendor ang nabigyan ng dagdag na puhunan matapos itong tulungan ni Mayor Archangelo “SM” Matro nang mapansing hirap sa pagbebenta dahil wala itong timbangan at per supot lamang ang bentahan.
Personal na nagtungo si Mayor Matro sa pwesto ng tindera para bumili ng gulay ngunit wala itong timbangan. Kaya naman, para hindi na malito ang tindera at mag-compute pa ng pinamiling gulay ng alkalde ay agad na nagbigay ng bayad si Mayor Matro at may pa-sobra pa para pangdagdag puhunan sa kanyang maliit na negosyo.
Nagpasalamat naman ang vendor sa tulong na ibinahagi ni Mayor Matro na makakatulong sa pagpapalago ng kanyang paninda.
#CaviteConnect

