2 JAPANESE NATIONALS, ARESTADO SA CARMONA DAHIL SA ILIGAL NA TRABAHO – BI

CARMONA, Cavite — Arestado ng Bureau of Immigration (BI) ang dalawang Japanese national sa Golden Mile Business Park, Barangay Maduya, matapos umanong magtrabaho nang walang kaukulang immigration documents.

Kinilala ang mga suspek na sina Kaoru Goto, 33, at Tsutsumi Kazumasa, 32, na natuklasang walang work permit at visa.

Isinagawa ang operasyon matapos magpanggap na kliyente ang BI agents. Sa inspeksyon, nakumpirmang nagtatrabaho ang dalawa nang walang dokumento.
Dinala sila sa BI Warden Facility sa Bicutan, Taguig City habang hinihintay ang deportation proceedings.

Muling nagpaalala ang BI sa mga dayuhang manggagawa na tiyakin ang kumpletong immigration documents bago magtrabaho sa bansa.

Source: Philstar

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading