PABAGO-BAGONG PANAHON, MAY EPEKTO SA MOOD AT UGALI NG TAO
“Sala sa Init, Sala sa Lamig,” ‘yan ang madalas nating nararanasan sa pagbago-bagong panahon. Ayon sa mga eksperto, may epekto ito sa mood ng isang tao. Ang pabago-bagong lagay ng panahon ay maaaring makaapekto sa mood, enerhiya, at kilos ng tao, bagaman hindi nito direktang binabago ang ugali o personalidad.
Sa gitna ng mainit, maulan, at pabagu-bagong klima, maraming indibidwal ang nakararanas ng iritabilidad, pagkapagod, antok, at kawalan ng konsentrasyon.
Ipinaliwanag na ang matinding init at halumigmig ay maaaring magdulot ng stress sa katawan, habang ang maulap o madilim na panahon ay nakaaapekto sa enerhiya at motivation ng tao.
Bagama’t karaniwan lamang ang ganitong epekto, pinapayuhan ang publiko na magpahinga nang sapat, uminom ng tubig, at iwasan ang sobrang pagod upang mapanatili ang maayos na kalusugan at disposisyon sa kabila ng pabago-bagong panahon gaya ng Cavite na sala sa init, sala sa lamig.
#CaviteConnect

