TANZA LGU, MAY TATLONG BAGONG BOKYO PARA SA SERBISYO PUBLIKO
TANZA, Cavite — Nakatanggap ang lokal na pamahalaan ng Tanza ng tatlong bagong bokyo na ipinagkaloob ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite kamakailan.
Sa ibinahaging post ni Mayor SM Matro, ang naturang sasakyan ay gagamitin sa pagsisilbi para sa bawat komunidad na makakatulong para mapabilis ang serbisyong pampubliko para sa mga Tanzeño.
Nagpasalamat din ang lokal na pamahalaan sa mga taxpayer at sa suporta nina Gov. Abeng Remulla, Cong. Ping Remulla, Vice Gov. Ram Revilla, at BM Aldrin Anacan sa patuloy na pag-unlad ng bayan.
Video screenshot from: Mayor Matro/Facebook

