MADALAS NA ULAN SA HAPON SA CAVITE, NORMAL LANG AYON SA EKSPERTO

Ipinaliwanag ng mga eksperto na ang madalas na pag-ulan tuwing tanghali hanggang hapon sa Cavite ay dulot ng init ng araw, sea breeze mula Manila Bay, at mataas na moisture sa hangin.

Sa umaga, umiinit ang lupa kaya umaakyat ang hangin at bumubuo ng ulap na nagiging ulan pagsapit ng hapon. Mas nagiging madalas ito tuwing habagat dahil sa dagdag na moisture sa atmospera.

Ayon sa mga eksperto, normal na weather pattern sa bansa ang maaraw na umaga na sinusundan ng pag-ulan sa hapon. Paalala rin ng mga eksperto, na mas mainam na maging handa tuwing bumubuhos ang malakas na ulan dulot ng nagpapatuloy na Habagat sa bansa.

#CaviteConnect

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading