BOXING CHAMP MANNY PACQUIAO, DOCTOR NA DIN
Opisyal nang ginawaran ng honorary doctorate degree si boxing legend Manny Pacquiao ng Philippine Normal University (PNU), na may titulong Doctor in Physical Education and Sports, Honoris Causa.
Ayon sa PNU, higit pa sa kanyang mga tagumpay sa ring ang ambag ni Pacquiao sa Philippine sports. Anila, ang kanyang buhay at karera ay sumisimbolo ng pagsusumikap, tagumpay, at inspirasyon para sa mga Pilipino.
Dagdag pa ng pamantasan, si Pacquiao ay isang huwaran ng kahusayan—mula sa simpleng pinagmulan hanggang sa marating ang rurok ng kanyang larangan, at patuloy na ginagamit ang kanyang tagumpay para sa mas nakararami.
#PilipinasConnect

