LANDSLIDE sa Silang, Cavite; Bahagi ng Bulihan-Kaong Road, Isinara

Pansamantalang isinara sa lahat ng uri ng sasakyan ang bahagi ng Bulihan Phase 3–Kaong Road sa Barangay Anahaw 1 matapos ang pagguho ng lupa dulot ng patuloy na pag-ulan.

Ayon sa mga awtoridad, naganap ang landslide sa rutang patungong Metro Bayani. Agad na isinagawa ang monitoring at assessment upang matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Wala namang naiulat na nasaktan o nasawi sa insidente.

Pinapayuhan ang mga motorista na gumamit ng alternatibong ruta, habang ang mga residente malapit sa apektadong lugar ay hinihikayat na manatiling alerto at lumikas kung kinakailangan.

Sarado pa rin ang naturang kalsada habang isinasagawa ang clearing operations at pagsusuri, ayon sa pamahalaang bayan.

Photo screenshot: Team Ted Carranza

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading