Inspeksyon sa Landslide sa Bulihan-Kaong Road; Kalsada Mananatiling Sarado

Sinuri ng lokal na pamahalaan ang landslide sa Bulihan–Kaong Road na tinatayang may habang 140 metro at lalim na 25–30 metro, na nangangailangan ng malawakang slope protection bago muling mabuksan sa publiko.

Ayon kay Mayor Gen. Ted Carranza, prayoridad ang kaligtasan ng mamamayan kaya hindi muna bubuksan ang kalsada hangga’t hindi natitiyak ang katatagan ng lugar.

“Aayusin natin ito. Basta ligtas, tuloy ang serbisyo,” ayon sa Alkalde.

Patuloy naman ang koordinasyon ng pamahalaan sa Department of Public Works and Highways para sa agarang rekomendasyon, intervention, at pondo para sa rehabilitasyon ng nasabing daan.

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading