Bagong Ecozones sa Cavite at Batangas, Magdadala ng Pamumuhunan at Trabaho

Palalakasin ang ekonomiya ng Cavite at Batangas sa pamamagitan ng mga bagong at pinalawak na economic zones na inaasahang magdadala ng bilyong pamumuhunan at dagdag na trabaho.

Sa Cavite, pinalawak ang Suntrust Ecotown sa Tanza sa ilalim ng Proclamation No. 1337, na target makalikha ng humigit-kumulang 2,200 trabaho at makahatak ng ₱851 milyong investment.

Samantala sa Batangas, pinalawak ang Light Industry & Science Park IV sa Malvar na inaasahang magdadala ng ₱8.5 bilyong pamumuhunan, habang itinatag din ang Biz Hub sa LIMA Estate sa Lipa City bilang IT economic zone.

Ayon kay Executive Secretary Ralph Recto, layunin ng mga ecozone na ilapit ang oportunidad sa mga probinsya at mabigyan ng trabaho ang mga lokal na residente nang hindi na kailangang lumuwas pa sa Metro Manila. #

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading