BSKE 2026, Posibleng Ituloy sa Nobyembre 2 sa Kabila ng Panukalang 5-Taong Termino

Posibleng ituloy ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre 2, 2026 kahit maisabatas ang panukalang gawing limang taon ang termino ng mga opisyal.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, maaaring isagawa ang halalan sa itinakdang petsa at ipatupad na lamang ang limang taong termino sa mga mananalong kandidato, upang hindi na maantala ang eleksyon.

Samantala, inendorso na sa Senado ang Senate Bill No. 2387 ni Sen. Chiz Escudero na layong ayusin ang electoral cycle at gawing limang taon ang termino ng barangay at SK officials.

May hiwalay namang panukala sa Kamara na naglalayong ilipat ang BSKE sa Nobyembre 2028.

Iginiit ng Comelec na handa na sila para sa halalan, kabilang ang final list of voters at mga election supplies.

Gayunman, wala pang pinal na batas sa ngayon, kaya nananatiling Nobyembre 2, 2026 ang iskedyul ng BSKE hangga’t walang opisyal na pagbabago.

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading