‘SOS BML’ App, Inilunsad ng Carmona Para sa Mas Mabilis na Responde sa Emergency

Inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Carmona ang Safety Order and Service: Bayan Muna Lagi (SOS BML) Community App upang mapabilis ang pag-uulat ng insidente at agarang pagtugon ng mga awtoridad.

Inilunsad ito sa City Operations Center noong Agosto 28, kung saan maaaring i-report ng mga residente ang sunog, krimen, aksidente, karahasan, sakuna, at iba pang emergency.

Maaari ring gamitin ang app para sa mga hindi agarang insidente tulad ng problema sa basura, sagabal sa kalsada, natumbang poste, nakalaylay na kable, at mga reklamo sa kapitbahay.

Ayon kay City Mayor of Carmona Dr. Dahlia A. Loyola, layunin ng programa na hikayatin ang mga residente na maging aktibong katuwang sa pagpapanatili ng ligtas at maayos na komunidad.

Nagbibigay rin ang app ng mga anunsyo mula sa pamahalaan, pati na updates sa panahon at trapiko, at may tampok ding lost-and-found feature para sa nawawalang gamit.

Photo credit: Dr. Dahlia A. Loyola/Facebook

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading