Imus Retarding Basin, Ipinasa na sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite

IMUS, Cavite –— Isinagawa ang Turn-Over Ceremony ng Imus Retarding Basin Structures and Facilities mula sa Department of Public Works and Highways (DPWH) patungo sa Pamahalaang Panlalawigan ng Cavite.

Ayon kay Cavite Governor Abeng Remulla, isang karangalan na maging bahagi ng makabuluhang okasyon na ito na naglalayong palakasin ang mga hakbang laban sa pagbaha at suportahan ang mga programa ng lalawigan para sa climate change adaptation.

Aniya, ang Imus Retarding Basin ay magsisilbing mahalagang imprastraktura para sa mas epektibong pamamahala ng tubig-ulan at paghahanda ng Cavite sa mga epekto ng pagbabago ng klima.

Source: Gov. Abeng Remulla/Facebook

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading