LIBRENG KASAL SA TANZA, MAY P2,000 CASH AT REGALO PARA SA MGA BAGONG MAG-ASAWA
Naghandog ang Pamahalaang Bayan ng Tanza ng libreng kasal para sa mga residente ngayong buwan ng Agosto, bilang bahagi ng kanilang buwan-buwang programa para sa komunidad.
Sa pangunguna ni Mayor SM Matro, naisakatuparan ang libreng seremonya, tumanggap din ang mga bagong kasal ng iba’t ibang regalo mula sa lokal na pamahalaan, kabilang ang rice cooker, stand fan, wedding picture frame, at P2,000 cash. Mayroon ding libreng pagkain para sa mga dumalo sa okasyon
Ayon sa pamahalaang bayan, layunin ng programa na matulungan ang mga mag-partner na maging legal ang kanilang pagsasama habang nabibigyan ng kaunting tulong-pinansyal at gamit sa pagsisimula ng kanilang buhay mag-asawa.
Nagpasalamat din si Mayor Matro at ang lokal na pamahalaan sa mga taxpayers na patuloy na sumusuporta sa mga programang pang-serbisyo tulad nito.

