130,000 Pamilya sa Tanza, Nakatanggap ng Ayudang Bigas sa Pangunguna ni Mayor SM Matro

Umabot na sa 130,000 pamilya sa bayan ng Tanza, Cavite ang nabigyan ng tulong mula sa pamahalaang bayan sa pangunguna ni Mayor SM Matro, katuwang ang suporta ng mga taxpayers.

Ayon sa alkalde, isinagawa ang pamamahagi ng ayuda nang walang pinipiling barangay, estado ng pamumuhay bilang patunay ng pantay-pantay na serbisyo at malasakit ng lokal na pamahalaan sa bawat Tanzeño.

Binigyang-diin ni Matro na patuloy ang kanilang inisyatiba sa paghahatid ng tulong at serbisyo, lalo na sa mga nangangailangan, bilang bahagi ng layuning mapabuti ang kalagayan ng bawat residente ng Tanza.

Leave a Reply

Discover more from CAVITE CONNECT

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading